Ang mga disenyo ng mga Pilipinong manlilikha ang matutunghayan sa isasagawang Katutubo Pop-up Market sa The Bench Tower, Rizal Drive corner 30th Street, Bonifacio Global City, Taguig City ngayong Agosto 9 hanggang 11, 2024.
Masisilayan at mabibili ang mga likha ng mga Pilipinong artists at designers na makukulay at kakaiba mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 8:00 ng gabi.
Kabilang sa mga tampok sa Katutubo Pop-up Market ay mga damit-Pilipinong panlalaki at pambabae, bags, sapatos, bed sheets, pangdisenyo sa bahay, kuwintas, trinkets, at mayroon ding mga kakaning Pilipino.
"Immerse yourself in the beautifully crafted fashion of our modern Filipiniana, designed and created by talented local designers and artisans. Each piece showcases a blend of traditional Filipino elements with contemporary styles, making each creation a unique and stunning representation of our rich cultural heritage," ang anunsyo ng Katutubo Pop-up Market sa kanilang pahina sa Facebook.
Libre ang pagpasok sa Katutubo Pop-up Market mula ngayong Biyernes hanggang Linggo.
(Mga larawan mula sa FB Page: Katutubo Pop-up Market)
Katutubo Pop-up Market sa Bench Tower sa BGC, sa Agosto 9 hanggang 11 Isasagawa | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: