Hindi lamang ang P1, 000 na pera ang naka-polymer kung hindi maging ang iba pang banknotes na nasa denomination na P50, P100 at P500.
(Larawan ng Bangko Sentral ng Pilipinas)
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Malakanyang kahapon, Disyembre 19, 2024, ang pagpapakilala sa kauna-unahang Philippine Polymer Banknotes Series.
Ang mga bagong perang "plastic" ay ilalabas sa sirkulasyon at mamagamit sa bansa bilang pambayad simula sa unang bahagi ng taong 2025.
Hindi naman idedemonetize o tatanggalin sa sirkulasyon ang mga kasalukuyang perang papel ng Pilipinas kahit nakalabas na rin ang mga polymer banknotes.
Iba ang disenyo ng polymer banknotes kung saan ang makikita ang mayamng biodiversity at pamanang kultura ng Pilipinas, at hindi na ang dating mukha ng mga bayani.
"The polymer series raises awareness of the country's threatened species, serves as a symbol of Filipino identity, and fosters national pride," ayon sa Gobernador ng Bangko Sentral na si Eli Remolona, Jr.
Ang P50 polymer banknote ay nagpapakita ng Visayan leopard cat at lanutan ni Vidal. Makikita rin dito ang Taal Lake, native maliputo fish, at Batangas embroidery design.
(Screenshot mula sa RTVM video)
Ang P100 polymer banknote ay nagpapakita ng Palawan peacock-pheasant at Ceratocentron fesselii. Ipinakikita rin dito ang Mayon Volcano, whale shark, at Bicol Region weave design.
(Screenshot mula sa RTVM video)
Ang P500 polymer banknote ay nagpapakita namn ng Visayan spotted deer at Acanthephippium mantinianum. Kasama rin doon ang Puerto Princesa Subterranean River National Park, blue-naped parrot, at ang southern Philippine weave design.
(Screenshot mula sa RTVM video)
Ang P1000 polymer banknote ay may Philippine eagle at bulaklak ng sampaguita. Naroon din ang Tubbataha Reefs Natural Park, South Sea pearl, at ang T'nalak weave design.
Mas malinis, mas matibay at hindi agad mapepeke ang mga bagong polymer banknotes, ayon kay Marcos. Aniya, hindi ito basta masisira o magiging luma at kayang tumagal ng pito at kalahating taon o limang beses na mas matagal ang buhay kaysa sa mga kasalukuyang perang papel.
"And that means we no longer need to replace them as often, saving money, cutting down on waste, and making a meaningful contribution to protecting the environment," ayon sa Pangulo.
Kauna-Unahang Philippine Polymer Banknote Series, Ilalabas sa Unang Bahagi ng 2025 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: