Opisyal nang inilunsad ang kauna-unahang Tesla e-vehicle flagship store sa Pilipinas sa pagbubukas ng Tesla Flagship Experience Center sa Uptown Mall sa Bonifacio Global City, Taguig City noong Biyernes, Nobyembre 8, 2024.

News Image #1

(Larawan ng Philippine News Agency)

Ang showroom na sumasakop sa 1, 900 square meters sa Uptown Mall, ay magbebenta ng dalawang Tesla models - ang Model 3 na ang presyo ay nagsisimula sa P2.109 milyon at Model Y na nagsisimula sa P2.369 milyon.

News Image #2

(Larawan ni Marou Sarne)

"Tesla has presence in about 50 countries around the world. We pick our preferences. So I pick the Philippines as the next new market in the world," ang pahayag ni Isabel Fan, ang regional director ng Tesla na personal na dumalo sa paglulunsad ng bagong Tesla showroom at opisina sa Pilipinas.

News Image #3

(Larawan ng PNA)

Bubuksan din ng Tesla ang Tesla Design Studio sa Pilipinas kung saan maaaring idisenyo ng mga customer ang loob ng sasakyan, ang labas nito at ilang mga bahagi ng sasakyan.

Ang unang dating ng mga sasakyan ng Tesla sa bansa ay sa ikalawang bahagi ng 2025.

Sinabi naman ni Kevin Tan, CEO ng Alliance Global Group, na magbubukas din anh unang Tesla Supercharger Station sa Uptown Mall, at magkakaroon ng iba pa sa ibang mga pag-aari ng Megaworld.

Ang supercharging ay magkakahalaga ng ₱19.00 bawat kilowatt-hour, kung saan ang full charge ay nasa ₱1, 140.00.