Mawawalan ng kuryente ang ilang bahagi ng Barangay Bambang, Taguig City bukas, Hulyo 31, 2024 ng alas 9:00 ng umaga at alas 2:00 ng hapon.
Ayon sa Manila Electric Company, magsasagawa sila ng pagtatanggal at paglalagay ng pasilidad at line maintenance work sa Kentucky Street, Barangay Bambang bukas, Miyerkules.
(Larawan ng Meralco)
Kabilang sa mga mawawalan pansamantala ng kuryente ay ang bahagi ng Kentucky Street mula M. L. Quezon, hanggang, at kasama ang Lt. R.R. Cruz at P. Cruz Villa.
Pinaghahanda ang lahat sa pansamantalang pagkawala ng kuryente para bigyang daan ang paglalagay ng mga bagong pasilidad upang matiyak na ligtas at tuloy-tuloy ang daloy ng kuryente sa bahaging ito ng Taguig City.
Kentucky Street. M.L. Quezon, Lt. R.R. Cruz at P. Cruz Villa sa Barangay Bambang, Mawawalan ng Kuryente sa Hulyo 31, 2024 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: