Ipinagdiwang ang World AIDS Day sa Taguig City sa pamamagitan ng Love Gala 2024 sa Marquis Events Place sa Bonifacio Global City (BCG) noong Disyembre 3, 2024 na dinaluhan ni 2015 Miss Universe Piq Wurtzbach - Jauncey.

News Image #1


Ang kagapanang pinamagatang "Eternal Elegance: A Night of Timeless Love," na magkatuwang na proyekto ng Taguig City at Love Yourself, Inc., ay naglunsad din sa itatayo na Taguig Youth Development Center.

News Image #2


Isang auction ng mga memorabilia ni Wurtzbach mula sa kanyang panahon sa Miss Universe ang isinagawa, kasama rito ang kanyang mga ginamit na gown, sash at notebook na sinulatan ng kanyang mga karanasan sa Miss Universe.

Ang mga kinita rito ay mapupunta sa pagpapagawa ng naturang dalawang palapag na pasilidad sa Taguig.


Ang sentro ang magiging ligtas at bukas sa lahat na lugar para sa mga kabataan ng Taguig na magbibigay naman sa kanila ng gabay at oportunidad para ma-develop ang kanilang dagdag na kakayahan.

Sa pagdalo ni Taguig City Mayor Lani Cayetano, sinabi nitong malaki ang kanyang pagasang makakatulong ito ng husto sa mga kabataan.

News Image #3


"This center will be a cornerstone of our shared commitment to empowering the next generation."

Ayon naman kay Wurtzbach, na isang tagasuporta ng LoveYoursf at UNAIDS Goodwill Ambassador for Asia and the Pacific, na napakahalaga na ang mga apektado ng sakit na HIV ay makakakuha ng agarang tulong lalo na sa panggagamot ng kanilang sakit.

"Together, we can create a world-or a universe rather-where safe spaces, innovation, and sustainability are a norm. The advocacy is not just mine; it is ours," ayon kay Wurtzbach.

Ang Taguig City ay matagal nang sumusuporta sa mga hakbangin upang makontrol at maggamot ang HIV at AIDS.


Sa pamamagitan ng Social Hygiene Clinic and Drop-In Center nito, nagbibigay ang Pamahalaang Lungsod ng door-to-door HIV screening, naghahatid ng gamot, at komprehensibong laboratory testing services.

(Mga larawan mula sa Taguig PIO)