Walang suspensyon ng klase sa Taguig City sa Nobyembre 20 kahit na magsasagawa ng strike sa buong bansa ang Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON).

Ayon sa pamahalaang lungsod ng Taguig, napag-alaman nila na hindi sasali sa tigil pasada ang malalaking samahan ng transportasyon sa bansa kaya't nagdesisyon silang huwag kanselahin ang mga klase sa syudad.

News Image #1


Ang mga estudyanteng hindi makakapasok sa kanilang face to face classes dahil sa strike ay papayagang lumiban subalit kailangang gawin nila ang alternatibong pamamaraan ng pag-aaral na ibibigay ng kanilang mga guro.

Naglagay rin ang pamahalaang lungsod ng mga lugar kung saan makakasakay ng libre ang mga mamamayan sakaling mahirapan silang humanap ng masasakyang pampasahero.

News Image #2


Kabilang sa 13 transport hubs ng Taguig kung saan makakakuha ng libreng sakay ay ang sumusunod:
Bagumbayan - (Dulo)
Cayetano Blvd. - (Global Gas Station)
Sta. Ana - (Plaza)
Napindan - (Police Station)
DOST - (Kanto)
Tenement - (Caltex Station)
Waterfun - (JODA Terminal)
Diego Silang - (Petron)
Gate 3 - (Terminal)
Market! Market! - (Common Terminal)
Arca South - (Common Terminal)
Pateros Bridge (J.P. Rizal)
Uptown (BGC, Kalayaan)

News Image #3


Ayon sa PISTON, ang kanilang pang buong bansang strike ay isasagawa ng dalawang araw, mula Nobyembre 20 hanggang 22 upang iprotesta ang modernisasyon ng Jeepney.

Itinakda ng pambansang pamahalaan sa Disyembre 31 ang huling araw ng pag-a-apply para sa franchise consolidadtion sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Maaaring tumawag sa Command Center ng Taguig City sa (02) 8789 3200 sakaling kailangan nila ng masasakyan.

News Image #4


(Mga larawan mula sa Taguig PIO)