Patay ang isang konduktor ng bus samantalang sugatan ang 13 iba pa makaraang magkabanggaan ang isang bus at trak sa may C5 Road, Bgy. Western Bicutan, Taguig City, alas 4:30 ng umaga ng Hunyo 29.
Tumilapon palabas ng bus ang konduktor na si Arnel Aquino at nag-landing sa likod ng trak makaraang magkasalubong sa isang U-turn slot malapit sa Heritage Park sa Taguig ang dalawang sasakyan.
Napag-alaman na ang Isuzu truck na minamaneho ni Richard Ocampo, 42 taong gulang, ay paliko sa U-turn slot nang dumating ang dumidiretsong bus na minamaneho naman ni Alfredo de Lara, 45 taong gulang. Tinamaan ng bus ang likurang bahagi ng trak na ikinatagilid nito. Lumipad naman palabas ang konduktor ng bus at sumabit sa likuran ng nakatumbang trak.
Bukod sa dalawang drivers, nasaktan din sa aksidente ang mga pasahero ng bus na sina Maria Legaspi, Michael Dela Rosa, Mary Dela Rosa, Mark Anthony Aram, Ricson Quisado, Christian Escanta, Jade Darryl Brett Gooc, Mercelen Gayona, Victor Randy Inofre, Francis Dignom, at Marimar Mercado.
Agad silang dinaluhan ng Taguig Doctor on Call team sa pangunguna ni Dr. Jonathan Dimol at dinala sa Taguig-Pateros District Hospital.
Ang labi naman ni Aquino ay dinala sa Our Lady of Loreto Funeral Homes.
Konduktor ng Bus, Patay sa Banggaan ng Bus at Trak sa C5 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: