Nais ng ilang mambabatas na pag-aralan ang posibilidad ng pagtatayo ng bagong gusali ng Kamara de Representantes malapit sa bagong tayong gusali ng Senado sa Bonifacio Global City sa Taguig City.

News Image #1


Sa pamamagitan ng iniharap na House Resolution 1390 nina Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., Quezon Representative David Suarez, at Camarines Sur Representative Luis Raymund Villafuerte Jr., hinahangad na magbuo ng isang ad hoc committee upang pag-aralan ang posibilidad na ito para sa mas magandang komunikasyon at koordinasyon ng mga ginagawang batas.

"Both the House and Senate used to share space, before the war, in the Legislative Building, which was the origin of the term "upper house" and "lower house", where the Senate had its session hall at the second floor, while the House had its session hall on the ground floor," ayon sa mga mambabatas.

News Image #2

News Image #3


Kailangan din aniyang ikonsidera na mas mapapalapit ang Kongreso sa iba pang ahensiya ng pamahalaan, mga multinational corporation, pangunahing mga negosyo at mga nagsisimula sa larangan ng teknohiya kapag nalipat ito sa BGC sa Taguig.

Ang bagong gusali ng Senado ay malapit nang matapos at inaasahang sisimulan ang partial operation nito sa Hulyo ng susunod na taon.

(Photos bu Vera Victoria and House of Representatives)