Inilunsad ang taunang sports fest sa Barangay Upper Bicutan Multi-Purpose Building bilang bahagi ng selebrasyon ng Councilors' Week 2024 sa Taguig City kahapon, Setyembre 6, 2024.
Ang kaganapang pinamagatang Konsi-lympics ay inorganisa ng Sangguniang Panlungsod, at nagpapakita ng pagkakaisa, pagkakaibigan at sportsmanship sa mga tagapaglingkod-bayan.
Sa isinagawang pagbubukas ng seremonya, hinikayat ni Vice Mayor Arvin Alit ang lahat upang magkaisa.
"Hindi away kundi pagkakaisa ng mga empleyado ng SP, mula sa Office of the Mayor, sa mga secretariat, sa mga empleyado, at staff ng 1st at 2nd District," ayon kay Alit.
Apat na teams mula sa Office of the Vice Mayor, SP Secretariat, District 1, at District 2 ang naglaban-laban.
Ang dalawang araw na kaganapang ito ay kaugnay ny
Philippine Councilors Week celebration, na may temang "PCL: Sustainable Development through Food and Water Security."
(Mga larawan mula sa Sangguniang Panlungsod ng Taguig)
Konsi-lympics, Isinagawa sa Barangay Upper Bicutan | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: