Isang travel photo exhibit ang isasagawa sa gusali ng Korean Cultural Center (KCC) sa Bonifacio Global City, Taguig sa Agosto 17 hanggang Setyembre 23, 2023.

Ang photo exhibit na isang partnership ng KCC at Korea Tourism Organization (KTO) Manila Office ay pinamagatang "Mga Kuha sa Korea (Photos Taken in Korea)" na nagtatampok sa mga magaganda at interesanteng lugar sa Korea.

Bahagi ito ng kampanyang "Visit Korea 2023 - 2024," isang inisyatibong pangturismo ng gobyerno ng Korea.

Ang mga larawan ay nagtatampok ng mga nakakaakit na natural na tanawin, masiglang mga siyudad at kultura ng South Korea. Mayroon ding larawan ng mga pagkain ng Korea mula sa iba't ibang rehiyon nito.

News Image #1


Ang mga mahihilig naman sa pelikula ay masisiyahan sa 2023 Korean Film Festival section na ang tema ay pagba-biyahe.

Kasama rin sa exhibit ang mga larawan ng mga finalists sa I Was Here: Mga Kuha sa Korea" contest, kung saan ang mga lumahok ay nagbahagi ng kanilang mga hindi makakalimutang lugar na napuntahan sa Korea. Ang nanalo sa contest ay i-aanunsyo sa pagbubukas ng exhibit sa Agosto 17.

Ayon sa KCC Director na si Kim Myeongjin, "through this exhibit, we hope to be able to bring Korea a bit closer to you."

(Larawan mula sa Korea Cultural Center)