Naghihintay na mapatapon palabas ng bansa sa kanyang kulungan sa Bureau of Immigration (BI) Detention Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City ang isang South Korean na wanted dahil sa mga krimeng sekswal.
Ang matagal nang pinaghahanap ng mga otoridad sa South Korea ay si Go Taiyoung, 44 na taong gulang, na naaresto ng mga tauhan ng BI sa Diosdado Macapagal Boulevard, Paranaque City kamakailan.
Napag-alaman na may kautusan na ang BI para sa pagpapatapon nito palabas ng bansa noong 2021 nang isang summary deportation order ang maipalabas laban sa kanya ng board ng mga komisyoner subalit natakasan nito ang kautusan.
Sinabi ni BI-FSU chief Rendel Ryan Sy na si Go ay nakalagay sa isang Interpol red notice na ipinalabas noong 2020 dahil sa kanyang krimeng pangmomolestiya sa isang babae na nangyari sa South Korea.
Inireklamo ito ng isang babaeng nagta-trabaho sa internet café dahil pinwersa umano siya ni Go na hawakan ang pribadong parte ng katawan nito habang ipinapakita sa kanya ang mga malalaswang larawan sa mobile phone nito.
(Photo by the Bureau of Immigration)
Korean na May Kasong Sekswal sa Bansa Nito, Ipapatapon Na | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: