Isang Koreano at isang Japanese na wanted sa kani- kanilang bansa ang naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) at ngayon ay ipiniit sa Detention Facility ng BI sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.
(Larawan mula sa Bureau of Immigration)
Ang dalawa ay naaresto sa magkahiwalay na lugar kung saan ang Koreanong si Hwang Seongbin, 34 taong gulang, ay naaresto noong Setyembre 30, 2024, sa Rockwell Drive, Barangay Poblacion, Makati City.
Ang Hapon namang si Sasaki Yohei, 36 taong gulang, ay naaresto noong Oktubre 1, 2024 sa Mercury Street, Bahay Toro, Quezon City.
Si Hwang ay ipinag-utos na hulihin ng Eujeong district court sa South Korea dahil sa stock investment scam nang siya ay pangulo ng isang financial institution.
Sinasabing nakapambiktima siya ng halagang 100 milyong won o mahigit sa US$75,000 mula sa mga hinikayat niyang mamuhunan sa kanyang scam.
Si Yohei naman ay may aktibong warrant of arrest na inisyu ng Omiya Summary Court sa Saitama, Japan dahil sa panghihikayat at panloloko sa isang matandang nasa nursing home na mamuhunan ng 3 milyong yen sa kanyang negosyo. Nagtrabaho sa nursing home bilang staff member doon si Yohei.
May kinalaman din umano si Yohei sa isang telecom fraud syndicate na nakabase sa Cambodia na ang gawain ay mangidnap, mangikil at manloko. Nauna nang maaresto ng BI ang ibang kasamahan nito sa sindikto.
Ang dalawa ay ipapatapon palabas ng bansa ng BI at ilalagay sa blacklist ng bansa.
Koreanong May Kinalaman sa 100 M Won na Stock Investment Scam at Hapong Tumangay sa 3 M Yen ng Kanyang Inalagaang Matanda sa Japan, Arestado | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: