Isang 47 taong gulang na Koreano na wanted sa South Korea dahil sa pang-iitak at panghihingi pa ng sampung milyong won sa biktima nito ang naaresto ng Bureau of Immigration (BI) makaraan ang pagtatago nito sa Pilipinas.

Naaresto ng BI - Fugitive Search Unit si Lee Jihwan sa Talisay City, Cebu noong Enero 8, 2025.

News Image #1

(Larawan ng Bureau of Immigration)

Mayroon itong warrant of arrest na inilabas ng Changwon District Court noong Nobyembre makaraang maakusahan ng pagnanakaw at pananakit sa kanyang kababayan.'

Si Lee at ang kasabwat nito ay inatake ng itak ang kanilang biktima kung saan tinamaan ito sa ulo.

Binalutan pa ng duct tape ni Lee ang biktima, binantaan at pinwersang maglipat sa kanyang bank account ng sampung milyong won o nasa US$6,800.

Sa ngayon ay nasa BI Detention Facility sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City si Lee habang hinihintay ang deportasyon nito.