Isang South Korean na may kinalaman sa pagdispalko ng may 4.8 bilyong won o 2.4 milyong dolyar mula sa national health insurance program ng South Korea noong 204 ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Immigration (BI) Fugitive Search Unit noong Enero 9 sa Mandaluyong City.
Ang Koreanong si Choe Young Sam, 45 taong gulang, ay napag-alamang matagal nang pinaghahanap ng International Police dahil sa pagkuha nito at ng mga kasabwat ng medical reimbursements na umabot sa 4.6 bilyong won mula sa national health insurance ng kanilang bansa.
May warrant of arrest mula sa Wonnju branch ng Chuncheon District court ng South Korea si Choe.
Mananatili muna si Choe sa kulungan ng PNP-NCRPO at saka ililipat sa Camp Bagong Diwa, Taguig City upang maiproseso ang pagpapatapon ditto palabas ng bansa.
Sinabi ng BI na blacklisted na sa bansa si Choe.
(Larawan mula sa Bureau of Immigration)
Koreanong Nangulimbat ng 4.8 Bilyong Won sa National Health Insurance Program ng South Korea, Arestado | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: