Ipapatapon palabas ng bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang isang puganteng South na naaresto sa Manila sa kasong may kinalaman sa pagbebenta ng sasakyan.

Ang ilegal na dayuhan ay ipo-proseso muna ang mga dokumento sa BI Detention Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, bago ipa-deport sa South Korea.

News Image #1

(Larawan ng Bureau of Immigration)

Naaresto sa UN Avenue, Ermita, Manila noong Enero 7 si Choi Wonchul, limampu't siyam na taong gulang. Na may red notice sa Interpol dahil sa kasong pangdidispalko ng pera at panlilinlang na kriminal na akto sa South Korea.

Nagtrabaho si Choi bilang car dealer sa Seoul noong 2008 at ibinulsa ang may US$65,000 na bayad ng mga binentahan nito ng sasakyan.

Dito naman sa Pilipinas. may niloko pa itong mga kliyente ng US$105,000 makaraang ipangakong ibebenta ang kanilang mga nagamit nang sasakyan sa mga interesadong bibili.

Sa ngayon ay nasa kamay ng Philippine National Police - Manila Police District ang suspek habang dinidinig ang kaso nito sa bansa.

Sinabi ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado na hindi nila papayagang manatili pa sa bansa ang overstaing na dayuhan na may kaso ring kriminal sa bansa nito.

"We will expel and ban him from re-entering the country for being an undesirable alien. The Philippines is not a sanctuary for wanted criminals," ayon kay Viado.