Arestado ang tinaguriang gambling lord ng South Korea sa isang popular na entertainment area sa Barangay Tambo, Parañaque City noong Oktubre 12, 2024.

News Image #1


Wanted noon pang 2019 si Choi Jonguk, 42 anyos, dahil sa kasong pag-o-operate ng illegal gambling website na bumibiktima sa mga Koreanong customers na tumatayan sa mga resulta ng mga kumpetisyong pampalakasan.

Kumikita umano si Choi sa pamamagitan ng pagbenta ng sports betting tickets online na isang paglabag sa national sports promotion act ng kanilang bansa.

Si Choi ay nakakulong na ngayon sa Bureau of Immigration Detention Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang deportation papers nito.