Isa ang nasawi samantalang dalawang iba pang nasugatan sa pag-araro ng isang dump truck sa ilang mga sasakyan sa C5 Road, Palar Village, Barangay Pinagsama, Taguig City bandang alas 8:30 ng gabi, noong Disyembre 19, 2024.
Naipit ang driver ng isang silver na Toyota Innova na nahulog pa sa gilid ng kalsada makarang salpukin ito ng 24-wheeler truck. Bandang alas 4:30 ng madaling araw na ng Disyembre 20 nang makuha ang walang buhay na driver.
Napag-alaman na galing sa northbound lane ng C5 Road, Taguig ang naturang trak na isang Sino Truck Howo na may plate number na NCX213 nang bigla itong tumawid sa southbound lane at nabangga ang isang silver at isang pulang SUV at gayundin ang isang motorsiklo.
Walang kasamang pahinante ang naturang driver at tumanggi rin ito sa akusasyong siya ay nakainom o naka-droga.
Sinuspinde na ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya ng naturang truck driver ng 90 araw. Naglabas din ng show-cause order ang LTO laban sa driver at sa rehistradong may-ari ng truck.
(Mga larawan ni Jayson Pulga)
Kumpirmadong 1 ang Patay at 2 ang Sugatan sa Pag-Araro ng Dump Truck na Tumalon ng Lane sa C5 Road | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: