Nahulihan ng baril at mga bala ang isang lalaking hinalughog ang bahay sa bisa ng search warrant sa Taguig City.
Sa isang operasyon na isinagawa noong gabi ng Oktubre 14, 2024, ng mga tauhan ng Taguig City Police Sub-Station 2, naaresto si alyas Rico, 57 taong gulang.
Nakuha rito ang isang tunay na .45 na baril, isang replica ng .45 na baril, 9 na bala, 3 magazine at isang belt bag.
Kinasuhan si Rico ng illegal possession of firearms and ammunition.
Una rito, ang search warrant ay ipinalabas ng kagalang-galang Byron G San Pedro, Executive Judge ng Branch 15 ng Taguig City dahil sa posibilidad na nag-iingat ito ng mga hindi lisensyadong baril.
Pinapurihan ni Police Brigadier General Bernard Relato Yang, District Director, ang aksyong ito Taguig City Police, at binigyang diin ang pagnanais ng pulisya na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
"The arrest of alias Rico highlights our ongoing efforts to crack down illegal firearms and enhance public safety. We appreciate the cooperation of local officials and media representatives in this successful operation."
(Larawan mula sa Taguig City Police)
Kuwarenta'y Singko at Mga Bala Nakuha sa Isang Lalaki sa Taguig | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: