Mapapaigsi na ang biyahe mula Filinvest, Alabang, Muntinlupa patungong Barangay Lower Bicutan sa Taguig City sa 13.7 minuto mula sa kasalukuyang 33.5 minuto sa pamamagitan ng Laguna Lakeshore Road Network (LLRN) Project.
(Larawan mula sa Department of Public Works and Highways)
Nilagdaan ng pamahalaan ng Republic of Korea at Pilipinas ang isang kasunduan para pondohan ng P50.61 bilyon ang paggawa ng Phase 1 ng LLRN project sa pamamagitan ng Export-Import Bank of Korea-Economic Development Cooperation Fund (KEXIM-EDCF) kasama ang Asian Development Bank (ADB) at Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB).
Gagawa ng 37.6 kilometrong viaduct at embankment mula Barangay Lower Bicutan, Taguig City hanggang Calamba, Laguna.
Kasama sa gagawin ang walong interchanges na magkokonekta sa mga malapit na pampublikong daan sa Lower Bicutan sa Taguig, Sucat sa Paranaque, Alabang sa Muntinlupa, Tunasan, San Pedro/Biñan, Santa Rosa, Cabuyao, at Calamba sa Laguna.
Inaasahang matatapos ang proyekto sa taong 2028.
Laguna Lakeshore Road Network Project, Mag-uugnay sa Taguig at Laguna, Popondohan ng P50.61 B ng Korea ang Phase 1 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: