Dumaloy ang lahar mula sa Bulkang Mayon kahapon, Oktubre 22, 2024, bunga ng tuloy-tuloy na pag-ulan na dulot ng Bagyong Kristine sa Bicol Region.
Ilang mga sasakyan ang nalubog sa rumagasang lahar sa Purok 4 at Purok 8 sa Barangay Masarawag, Guinobatan, Albay at umabot din halos sa tulay ang makapal na putik.
Batay sa mga larawang kuha ni Ralph Felix Ladia Openiano, hindi na nailikas ang mga sasakyang inabutan ng pagragasa ng lahar bagaman at may nauna nang kautusan ang pamahalaang panlalawigan ng Albay ng madaliang paglilikas dahil sa banta ng dadaloy na putik mula sa Bulkan.
Nauna na ring nagbabala ang Phivolcs na babagsak ang mga volcanic sediments na ito sa mga madalas na dinadaluyan ng lahar ng Bulkang Mayon.
Sinabi ni Dr. Paul Alanis, Phivolcs volcanologist, na ang Bulkang Mayon ay nagbuga ng 49 milyong kubiko metro ng volcanic debris noong pumutok ang bulkan noong isang taon.
(Mga larawan ni Ralph Felix Ladia Openiano)
Lahar, Bumagsak sa Albay Mula sa Bulkang Mayon | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: