Isang lalaki at isang babae ang nahulihang may dalang hinihinalang shabu at baril habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Taguig Police Substation 4 sa Sitio Pusawan ng Barangay Ususan, Taguig alas 11:10 ng umaga noong Disyembre 16, 2024.
Nakumpiska kina alyas Benjie, 35 taong gulang at Liberty, 42, ang limang plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 22.5 gramo at nagkakahalaga ng P153, 000.
Nakuha rin kay Benjie ang isang paltik na baril na may bala ng .45 kalibre na baril.
Sasampahan ang mga ito ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o (
Comprehensive Law and Firearms and Ammunition.
Nakakulong ngayon ang mga suspek sa custodial facility ng Taguig Police Station at ang mga ebidensiya naman ay ibinigay na sa Southern Police District Forensic Unit.
Lalaki at Babae sa Barangay Ususan, Natyempuhan ng Taguig Police na may Dalang Bawal na Gamot at Baril | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: