Isang lalaking diumano ay may problema sa pamilya ang umakyat ng poste ng kuryente sa tapat ng Barangay Hall ng Barangay Western Bicutan, Taguig City noong Agosto 6, 2024, bandang alas 10:00 ng gabi.

News Image #1

(Larawan mula sa Barangay Western Bicutan Facebook Page)

Ayon sa isang Taguig.com member na nakasaksi ng pangyayari, akmang tatalon ang lalaking balisa mula sa poste.

News Image #2

(Larawan mula sa Taguig.com member)

Dumating agad sa lugar ang mga kawani ng Barangay Western Bicutan sa pangunguna ni Kapitan Pedrito Bermas, at gayundin ang mga tauhan ng Taguig City Disaster Risk Reduction Management Office, Bureau of Fire Protection Special Rescue Force National Headquarters, Taguig City Police Substation 2, Southern Police District Team 2, Meralco at iba pang mga ahensiya ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig.

News Image #3

(Larawan mula sa Facebook Page ng Barangay Western Bicutan)

Pinatay agad ang kuryente sa lugar upang maging ligtas ang pagkuha sa lalaki mula sa pinwestuhan nito sa poste.

Inabot ng apat na oras sa poste ang lalaki bago ito matagumpay na naibaba.

News Image #4

(Larawan mula sa Facebook Page ng Barangay Western Bicutan)

Sinabi ng Barangay Western Bicutan na delikado at nahirapang abutin ng mga tagapagligtas ang naturang lalaki.

Agad na naibalik ang suplay ng luryente sa lugar makaraang maibaba ang lalaki mula sa poste.