Umihi sa harapan ng Taguig City Police Station sa Bonifacio Global City, Barangay Fort Bonifacio at ipinakita pa sa isang babaeng pulis na sumita rito ang maselang bahagi ng katawan nito noong Disyembre 16, 2023.

News Image #1


Napag-alaman na isang 25 taong gulang na lalaki ang umihi sa kanto ng 7th Avenue at 26th Street sa BGC kung saan naroon ang himpilan ng pulisya.

Sinita ng babaeng pulis ang lalaki at sinaway sa pag-ihi sa publiko subalit itinuloy pa rin ng lalaki ang ginagawa at ipinakita pa sa babaeng pulis ang kanyang maselang bahagi.

Maging ang mga dumadaan ay naeskandalo sa ginawa ng lalaki.

Nakuhanan din ng CCTV ang ginawa ng lalaki.

Nahaharap sa kasong grave scandal at disobedience to person of authority ang lalaki na idinetine ngayon sa Taguig City Police Station kung saan siya umihi.


(Photo by Bonifacio Global City Community Precinct)