Isang Chinese na lalaking dati nang naaresto makaraang makuhanan ng mga baril at mga kagamitang pang-hack ang nasa detention facility na ng Bureau of Immigration (BI) sa Taguig City makaraang muli itong mahuli.

News Image #1

(Larawan ng Bureau of Immigration)

Ang 32 taong gulang na si Liu Yuhang ay naaresto ng mga tauhan ng BI intelligence division dahil sa pagiging overstaying sa bansa.

Nahuli si Liu sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) office sa Camp Crame, Quezon City.

Si Liu ang naaresto ng CIDG sa Makati City noong Mayo dahil sa mga matataas na kalibre ng armas at mga hinihinalang hacking equipment.

Dumating si Liu sa Pilipians noong Hulyo 2018 at ang visa nito ay na-update lamang noong Agosto 2022.

Inaayos na lamang ang pagpapatapon kay Liu pabalik sa China habang nasa piitan ito sa Immigration Detention Facility sa Bicutan, Taguig.