May kasong homicide ang isang 38 taong gulang na lalaking naaresto sa Barangay Central Signal, Taguig City noong Agosto2, 2024.
(Larawan mula sa Taguig Police)
Bandang alas 11:20 ng umaga noong Biyernes nang madakip ng mga tauhan ng Substation 6, Taguig City Police Station sa Ballecer St., Central Signal Village, Taguig City si alyas Brill, 38 taong gulang.
Si Brill ay nasa ranggong pangatlo sa most wanted sa Station Level ng Taguig City Police.
Ang kasong homicide ni alyas Brill sa ilalim ng Criminal Case Number 126807 ay may warrant of arrest para sa pagseserbisyo na ng sentensya na ipinalabas ni Kagalang-galang Mariam G Bien, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 153, Taguig City noon pang Hulyo 16, 2018.
Pansamantalang nakadetine si Brill sa Custodial Facility ng Taguig City Police Station.
Lalaking May Kasong Homicide na Nahatulan noon pang 2018, Naaresto sa Barangay Central Signal | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: