Isang 32 taong gulang na nagprotesta sa harap ng Israel Embassy sa Bonifacio Global City (BGC) Taguig City ang inaresto ng Taguig City Police noong Sabado, Hunyo 8, 2024 makaraang manakit umano ng security staff member ng isang diplomat.
Ang pro- Palestine protester na si Edison Osina Yu ay nanakit umano ng isang security staff ng diplomat ng embahada ng Israel at naging dahilan ng kaguluhan sa lugar.
(Larawan ni Edison Yu mula kay Nancy Siy at Anak Bayan-Taguig)
"This is contrary to what the Youth for Palestine-Makati alleges that Yu was illegally arrested by BGC Police for taking photos of a road blockage and police presence," ang pahayag ni Police Col. Christopher Olazo, acting chief ng Taguig City Police.
Batay sa report ng pulisya, sinuntok ni Yu ang diplomat security officer na si Rodolfo Osorio Jr. sa tiyan nang sabihan itong bawal ang pagkuha ng larawan sa embahada ng Israel.
Nang humingi ng tulong si Osorio sa mga pulis, lalong nagalit umano si Yu at nagmumura, dahilan para maalarma ang mga tap sa lugar.
Itinanggi naman ito ng Anak Bayan-Taguig at sinabing si Osorio ang sumuntok kay Yu na anila ay isang mapayapang tao at animal rights activist.
"We call on Taguig PNP and its Acting Chief of Police PCol. Christopher Olazo to stop the spread of misinformation that there is no police violence," ayon sa pahayag ng Anak Bayan-Taguig.
"Tinatawagan namin ang opisina ng ating Mayor Lani Cayetano na tumugon sa isyu na ito. Gayundin maipakita na ito sana ay rumerespeto sa karapatan ng mamamayan na magprotesta at nagtataguyod ng karapatang pantao," dagdag pa ng grupo.
Inaresto ng Taguig City Police si Yu dahil sa alarm and scandal at sa pananakit kay Osorio.
"There is no basis for the group's claims that the police actions constituted brutality and violence, as the police were merely attempting to pacify the situation. It was the suspect who continued to create a scene in the area despite the police's calm approach," dagdag pa ni Olazo sa isang pahayag na ipinalabas sa publiko.
"We remind everyone that the police's primary concern is to serve and protect the public. We are non-partisan and are not influenced by any group or organization. Our sole aim is to perform our duty diligently," pagtatapos ni Olazo.
Sa ngayon ay sinasabing nasa Camp Bagong Diwa na si Yu.
(Larawan mula sa Anak Bayan - Taguig)
Lalaking Nagprotesta at Nanakit Umano ng Security Staff ng Israel Embassy, Inaresto ng Taguig Police; Ayon naman sa Anak Bayan-Taguig, ang Protester ang Sinaktan ng Security | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: