Namayapa na sa edad na 48 ang isa sa mga pangunahing mang-aawit ng Filipino rock band na Aegis na si Mercy Sunot.

News Image #1

(Larawan mula sa Facebook Page ng Aegis Band)

Nasawi si Mercy sa sakit na lung at breast cancer sa Stanford Hospital and Clinics sa San Francisco, California, noong Nobyembre 17, 2024.

Sa Facebook post ng bandang Aegis, sinabi nilang isang napakalungkot na pangyayari ang pagkamatay ni Mercy.

"It is with heavy hearts that we share the news of the passing of Mercy, one of the beloved vocalists of AEGIS Band. She bravely fought her battle with cancer but has now found peace and rest. Mercy's voice wasn't just a part of AEGIS-it was a voice that brought comfort, joy, and strength to so many. She has touched countless lives, inspiring fans and lifting spirits with every song she sang. Her passion, warmth, and unforgettable presence on stage will forever be cherished in our hearts," ayon sa grupong Aegis.

Sa huling video ni Mercy mula sa ospital, humiling ito ng dalangin sa kanyang mga fans at pamilya dahil nahirapan siyang huminga makalipas ang kanyang operasyon.

"Tapos na 'yung surgery ko sa lungs. Pero biglang nahirapan akong huminga. So dinala ako sa ICU. Tapos ngayon, may inflammation 'yung lungs ko so ginagawan na nila ng paraan. Steroids ang pinainom sa akin ng doctor para sa inflammation," ayon kay Mercy.

"Ipag-pray nyo ako na matapos na itong pagsubok na ito. Ipag-pray nyo ako," dagdag pa nya.

Si Mercy ay ang may pinaka-mataas at powerful na boses sa bandang Aegis. Kabilang sa kanyang pinasikat ay ang Halik, Sayang na Sayang at Luha.