Ipapatapon palabas ng bansa ang Koreanong si Lee Minho makaraang mapag-alaman ng Bureau of Immigration (BI) na wanted ito sa kasong pananakit sa bansa nito sa South Korea limang taon na ang nakararaan.
(Larawan ng Bureau of Immigration)
Gayunman, ang nakadetineng Lee Minho sa detention facility ng BI sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City ay hindi ang popular na South Korean na aktor, kung hindi isang ordinaryong mamamayan na may krimeng ginawa sa isang tao sa kanilang bansa.
Ang Lee Minho na naaresto ng mga tauhan ng BI fugitive search unit sa Clark Freeport Zone noong Nobyembre 25, 2024, ay 37 taong gulang na pumalo ng baseball bat sa isang lalaki kasama ang iba pang mga suspek limang taon na ang nakararaan sa South Korea.
Ang kanyang biktima ay naospital ng ilang araw dahil sa matinding tinamong sugat nito mula sa pagpalo.
Isang warrant of arrest ang ipinalabas ng Suwon District Court noong Pebrero 2024 laban kay Lee dahil sa kasong Special Bodily Injury na paglabag sa Criminal Act of the Republic of Korea.
Nasa listahan din ito ng Interpol simula pa noong Oktubre dahil din sa naturang kaso.
"Lee Minho," Ipapatapon Pabalik ng South Korea | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: