Sa pinakahuling bulletin ng PAGASA kaninang alas 11:00 ng umaga, Oktubre 30, 2024, ang bagyong Leon na ngayon ay isa nang Super Typhoon ay nas 350 kilometro na sa silangan ng Calayan, Cagayan (19.3°N, 124.8°E).
Ang dala nitong hangin ay 185 kilometro kada oras malapit sa gitna na may pagbugsong 230 kilometro kada oras at ang central pressure ay 925 hPa.
Ang kasalukuyang pagkilos ay sa kanluran hilagang kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.
Ang laki ng sakop ng hangin nito ay nasa 600 kilometro mula sa gitna.
Tropical wind cyclone signal number 3 na sa mga sumusunod:
Batanes, silangang bahagi ng Babuyan Islands (Babuyan Is., Camiguin Is., Calayan Is.,), at hilaga silangan ng Cagayan (Santa Ana)
Signal number 2 naman sa:
Nalalabing bahagi ng Babuyan Islands, nalalabing bahagi ng mainland Cagayan, hilaga at silangang bahagi ng Isabela (Santo Tomas, Santa Maria, Quezon, San Mariano, Naguilian, Dinapigue, Delfin Albano, San Pablo, Ilagan City, Benito Soliven, Tumauini, Cabagan, Palanan, Quirino, Divilacan, Gamu, Mallig, Maconacon, Burgos, City of Cauayan, San Guillermo, Angadanan, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Roxas, Aurora, San Manuel), Apayao, Kalinga, hilaga at silangang bahagi ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong, Lagayan, San Juan, Lagangilang, Licuan-Baay, Daguioman), silangang bahagi ng Mountain Province (Paracelis), at Ilocos Norte
Signal number 1 naman sa:
Nalalabing bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, nalalabing bahagi ng Mountain Province, Ifugao, Benguet, nalalabing bahagi ng Abra, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Nueva Ecija, Aurora, hilaga silangang bahagi ng Tarlac (Camiling, San Clemente, Paniqui, Moncada, Anao, San Manuel, Pura, Ramos, Victoria, Gerona, Santa Ignacia, City of Tarlac, La Paz), hilagang bahagi ng Bulacan (Doña Remedios Trinidad, San Miguel), hilagang Quezon (Infanta, General Nakar) including Polillo Islands, Camarines Norte, hilagang Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Lagonoy, Garchitorena, Caramoan), hilaga at silangang bahagi ng Catanduanes (Pandan, Gigmoto, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Baras, Caramoran)
Gagalaw ng bagyong Leon patungo sa hilaga kanluran sa ibabaw ng Philippine Sea hanggang sa bumagsak ito s lupa sa silangang baybayin ng Taiwan bukas, Oktubre 31, 2024. Makaraang dumaan sa Taiwan, babalik ang bagyong Leon sa hilaga-hilaga-kanluran sa Taiwan Strait patungo sa East China Sea at lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ng gabi o sa umaga ng Biyernes, Nobyembre 1, 2024. Posibleng magkaroon ito ng ikalawang landfall sa mainland China.
Pinakamalapit sa Batanes ang bagyong Leon ngayong gabi hanggang bukas ng umaga. Hindi nalalayo ang posibilidad na mag-landfall ito sa Batanes.
Mas lalakas ang bagyong Leon kapag nasa pinakamalapit na ito sa Batanes. Pinag-iingat ang lahat.
(Mga larawan ng PAGASA)