Libo-libong residente ng Barangay Cembo ang nabigyan ng tulong-medikal sa pamamagitan ng Taguig Love Caravan na isinagawa sa Makati Science High School, Barangay Cembo, Taguig City noong Enero 6, 2024

News Image #1


Personal na sinalubong ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang mga pasyenteng nagpatingin at nagpagamot at sinabing masaya siya na naipakita ng Taguig ang TLC o transformative, lively and caring city sa pamamagitan ng paghahatid ng libreng serbisyo sa mga bagong Taguigeño.

News Image #2


Napagsilbihan ng libreng medical consultation ang 1, 459 na pasyenteng taga-Barangay Cembo, 316 ang natingnan at nagamot ng mga dentista, 66 ang nagpa-papsmear, 25 ang nagpatingin sa OB-Gyne at 544 ang nabigyan naman ng bakuna sa flu, pneumonia, HIV at MMR.

Isang indigent patient ang nabigyan ng tulong din sa lahat ng kanyang pangangailangang medikal, 435 ang nabigyan naman ng libreng laboratory examination na kinabibilangan ng RBS, CBC, urinalysis at blood typing, 88 ang napa-ECG at 158 ang napa-X-ray.

Binigyan din ng tulong kaugnay ng nutrisyon ang 56 na pasyente samantalang ang 165 ay tinulungan sa iba pang suliraning medikal ng mga ito.

News Image #3


Nagpasalamat si Cayetano sa lahat ng mga tumulong upang maging matagumpay ang Taguig Love Caravan na isang libreng medical at dental mission ng Taguig na umiikot sa mga barangay nito.

"Maraming salamat sa kooperasyon ng ating mga barangay officials, barangay leaders and coordinators. Maraming salamat se DepEd sa pahintulot na magamit ang paaralan para sa programang ito. Salamat lalo't higit sa mga residente ng Barangay Cembo sa tiwala sa programang ito," ang pahayag ng alkalde ng Taguig.

(Photos from the FB Page of Mayor Lani Cayetano)