Libre at mabilis na internet connection ang ipinagkaloob ng DITO Telecommunity, isang telco provider, sa anim na pampublikong eskwelahan sa Taguig City na nagbibigay ngayon ng benepisyo sa may 30, 000 mga mag-aaral.
Sa ilalim ng Adopt-A-School Program ng Hands On Manila, isang non-profit at pribadong organisasyon, inilagay ng DITO ang Unli 5G wifi nito sa Cipriano P. Sta. Teresa Elementary School, Silangan Elementary School, Taguig Integrated School, Napindan Integrated School, South Daang Hari Elementary School, at Taguig National High School ngayong Enero.
Sinabi ni Joyce Capacillo, pinuno ng Home Business Unit ng DITO Telecommunity, na ang inisyatibang ito ay hindi lamang isang teknikal na solusyon sa mga estudyanteng nahihirapan dahil limitado ang kanilang kakayahan sa paggamit ng internet, kung hindi isang pagasa rin ito upang maipagpatuloy ang pagkamit nila ng kanilang mga pangarap at aspirasyon.
"We aim to support the education sector by helping provide equitable access to the internet. We recognize that lack of internet connectivity not only limits students' access to educational resources but also hinders their ability to navigate and fully engage in a digital environment, a skill that is crucial for their future, " ayon kay Capacillo.
Sinabi pa ni Capacillo na hindi na mahihirapan ang mga bata na bumili pa ng kanilang mobile data o magtiis sa mabagal na internet connection para lang matapos ang kanilang mga assignment o online examination.
Kabilang sa mga dumalo sa paglulunsad ng programa ang mga pinuno at representante ng mga eskwelahang pinagkalooban ng internet connection ng DITO na sina Dr. Flordelyn Umagat, Principal ng Silangan Elementary School; Annette Cristobal, Principal ng Cipriano P. Sta. Teresa Elementary School; Dr. Francia Patron na Principal ng Napindan Integrated School; Kathryn Raymundo, HOM School Coordinator ng Taguig National High School; Dr. Joselito Mataac, Principal ng Taguig Integrated School, at Marieta Junio, Principal ng South Daang Hari Integrated School.
Sa Taguig City sinimulan ng DITO ang proyekto at palalawakin pa nila ito sa ibang lugar sa bansa.
(Larawan mula sa DITO Telecommunity)
Libre at Mabilis na Internet Connection, Inilagay ng DITO sa 6 na Public Schools ng Taguig | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: