Libre ang pagsakay ngayong araw na ito, Disyembre 20, 2024, sa Light Rail Transits 1 at 2 at sa Metro Rail Transit 3, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
(Larawan ng Light Rail Manila Corporation)
"This initiative is our simple way of helping defray costs for our country busy preparing for Christmas. May this provide convenience to the public and for them to feel the government's concern for them this holiday season," ang pahayag ng Pangulo sa kanyang social media account.
Ang libreng sakay ay mula sa pagbubukas hanggang pagsasara ng operasyon ng tatlong linya ng elevated trains sa Metro Manila ngayong Biyernes.
(Larawan ng Presidential Communications Office)
Inaasahang makikinabang ang napakaraming mga pasaherong sumasakay sa mga naturang linya ng tren. Tinatayang 1.1 milyong pasahero ang gumamit ng mga linya ng tren ngayong taong ito.
Ang Office of the President ang sasagot sa libreng sakay sa LRT 1 at 2 at sa MRT 3 ngayong araw na ito, batay naman sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO).
Libre Sakay sa LRT 1 at 2 at sa MRT 3 Ngayong Araw na Ito, Sagot ng Office of the President | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: