Isang malaking leksyon para sa lahat ang nangyari sa isang 13 taong gulang na batang babae sa Tondo, Manila na nasawi makaraang makagat ng aso dahil hindi agad nasaksakan ng anti-rabies makaraang ilihim niya sa kanyang mga magulang ang nangyari sa kanya.

News Image #1

(Larawan ng Barangay Santa Ana)

Si Jamaica Star Seraspe ay naglalakad mula sa kanyaang eskwelahan sa Tondo nang kagatin ng isang ligaw na aso noong Pebrero 9, 2024.

Sa halip na sabihin ang totoo, sinabi ng bata sa kanyang mg magulang na nagasgas lamang siya ng bakal kaya't hindi na ito dinala sa doktor.

Makalipas ng dalawang buwan, nagkaroon na siya ng mga seryosong simtomas kabilang ng lagnat sakit ng likod, laging pagod at hindi na makainom ng tubig. Ayon sa kanyang inang si Roselyn, nadala lamang ang kanyang anak sa San Lazaro Hospital noong Abril 5, 2024 nang sabihin ng bata ang totoo, subalit palala na nang palala ang kondisyon nito.

Dumating na sa puntong kailangang itali ang kanyang anak dahil nagwawala na ito bunga ng sobrang sakit ng katawan, hanggang sa mamatay ito kinabukasan, Abril 6. Namatay si Jamaica sa rabies encephalitis.

Sa post ng ina ni Jamaica, ipinaalala nito sa mga kapwa magulang na obserbahan ang anak kung may mga galos at kung may kakaibang inaakto. Huwag aniyang pabayaan kahit nakalmot lamang ng pusa o aso dahil seryoso ang rabies.

Ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig ay may programa laban sa pagkalat ng rabies sa mga hayop sa pamamagitan ng libreng house-to-house na pagbabakuna laban sa rabies.

Sa Setyembre 25, 26, October 2, 3 t 4, 2024, ang grupo ng Office of the City Veterinarian ay personal na magtuturok ng anti-rabies n bakuna sa mga hayop sa Barangay South Signal.

Narito ng iskedyul:
Day 1 September 25, 2024 (Miyerkules)

News Image #2

News Image #3


1.⁠ ⁠Army Road Extension
2.⁠ ⁠Bernardo Street
3.⁠ ⁠Quintar Street
4.⁠ ⁠Hechanova Street
5.⁠ ⁠Directo Street
6.⁠ ⁠Martinez Street
7.⁠ ⁠Resma Street
8.⁠ ⁠Airforce Road Extension
9.⁠ ⁠Manggahan Street
10.⁠ ⁠Army Road
11.⁠ ⁠Cabasaan Street
12.⁠ ⁠Cabasaan Extension
13.⁠ ⁠Airforce Road
14.⁠ ⁠Ranger Street

Day 2 September 26, 2024 (Huwebes)
News Image #4

News Image #5


1.⁠ ⁠President Osmeña Street
2.⁠ ⁠General Malvar Street
3.⁠ ⁠Manalili Street
4.⁠ ⁠Pardiñas Street
5.⁠ ⁠Manggahan Extension
6.⁠ ⁠Navy Road & Extension
7.⁠ ⁠Providencia Street
8.⁠ ⁠Horshoe Street
9.⁠ ⁠J.P Laurel Street
10.⁠ ⁠Aguirre Street
11.⁠ ⁠Sto Niño Street
12.⁠ ⁠General Espino Street
13.⁠ ⁠Espedilla Street
14.⁠ ⁠Meralco Street

Day 3 October 2, 2024 (Miyerkules)
News Image #6

News Image #7



1.⁠ ⁠P.C Road
2.⁠ ⁠MC Arthur Street
3.⁠ ⁠Ballecer Street
4.⁠ ⁠Magsaysay Street
5.⁠ ⁠President Gacia Street
6.⁠ ⁠PNP Road
7.⁠ ⁠Convergence Street
8.⁠ ⁠Orchids Street
9.⁠ ⁠Ilang-Ilang Street
10.⁠ ⁠Friendship Street
11.⁠ ⁠Macapagal Street
12.⁠ ⁠President Laurel Street
13.⁠ ⁠Jasmin Street
14.⁠ ⁠G.H.Q Road

Day 4 October 3, 2024 (Huwebes)
News Image #8

News Image #9


1.⁠ ⁠Atis Street
2.⁠ ⁠Everlasting Street
3.⁠ ⁠Bayanihan Street
4.⁠ ⁠President Quirino Extension
5.⁠ ⁠President Roxas
6.⁠ ⁠General Aguinaldo Street
7.⁠ ⁠Bonifacio Street
8.⁠ ⁠Mayor Tanyag Street
9.⁠ ⁠Banaba Street
10.⁠ ⁠Famela Street
11.⁠ ⁠Visayas Street
12.⁠ ⁠Rodriguez Street
13.⁠ ⁠President Quirino Street

Day 5 October 4, 2024 (Biyernes)
News Image #10

News Image #11


1.⁠ ⁠Abad Street
2.⁠ ⁠Ballecer Street
3.⁠ ⁠General Luna Street
4.⁠ ⁠D. Palma Street
5.⁠ ⁠Gervacio Street
6.⁠ ⁠Caliao Street
7.⁠ ⁠Camia Street
8.⁠ ⁠MLQ Street
9.⁠ ⁠Daisy Street
10.⁠ ⁠Luzon Street
11.⁠ ⁠M.H Del Pilar
12.⁠ ⁠Herbs Street
13.⁠ ⁠Gumamela Street

Kung hindi mararating ng Office of the City Veterinarian, maaari ring magsadya sa kanilang tanggapan sa #4 Model House, C6 Road Cdrrmo Compound Purok 1, Barangay New Lower Bicutan, Taguig City.