Tatlo sa bawat 100 Pilipina ang maaaring makitaan ng kanser sa kanilang dibdib sa kabuuan ng kanilang buhay. Ito rin ang ikatlong pinakanakakamatay na uri ng kanser sa mga Pilipino. Sa pinakahuling data noong 2019, umaabot sa 9,926 na kababaihang Pilipina ang nasawi sa kanser sa dibdib.

Ang Pilipinas ang may pinakamataas na kaso ng breast cancer sa Asya at ika-siyam ang ating bansa sa buong mundo sa data na inilabas noong 2019.

Ang maagang deteksyon ng kanser sa dibdib at maagap na paggamot dito ang mga pinakamabisang paraang upang maiwasan ang paglala o kamatayan sa naturang kanser.

Ngayong Breast Cancer Awareness Month, ang pamahalaang lungsod ng Taguig at ang ICanServe Foundation ay magkatuwang sa pagsusulong ng breast cancer screening at pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa karamdamang ito.

Ang programang Ating Dibdibin ay nagbibigay ng libreng breast cancer screening at lecture bukod sa nagbabahagi ng kanilang istorya ang mga nakatapos na sa kanilang pagpapagamot sa sakit.

News Image #1


Makaraan ang matagumpay na pagdaraos ng programa sa Landers Superstore Arca South noong Oktubre 6 at 7, magtutungo naman sila sa Puregold Taguig-Tuktukan sa Oktubre 9 hanggang 12, 2023, ganap na alas 8:30 ng umaga.

Bukod sa libreng breast cancer screening, mayroon ding kuwentuhan at pagpapayo kung paano maiiwasan ang sakit at paano malalampasan ito kung mayroon na.

(Photo by Taguig PIO)