Libreng serbisyo para sa mga alagang aso at pusa ang ihahandog ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig bilang selebrasyon ng World Rabies Day sa Lunes, Setyembre 30, 2024 sa Taguig City University Auditorium.
Mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon, maaaring dalhin ang mga alagang aso at pusa para sa libreng konsultasyon, pagbabakuna laban sa rabies at iba pa sa naturang Pet Summit.
Inaanyayahan din ang pet parents na ayusan o lagyan ng costume ang kanilang mga alaga para sa kanilang sariling PAWshion show sa kaganapan.
Kailangan lamang na magparehistro sa pamamagitan ng Google form links na mapupuntahan sa pag-scan ng QR codes sa ibaba.
Libreng Konsultasyon at iba pang Veterinary Services sa Taguig City University Auditorium sa Setyembre 30, 2024 Mula Alas 7:00 am Hanggang 4:00 pm | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: