Binigyan ng libreng masahe, groceries at pinakain pa ang buong pamilya ng double gold medalist sa Olympics gymnastics na si Carlos Edriel Yulo ng isang negosyante sa Market! Market! Bonifacio Global City, Fort Bonifacio, Taguig City.
Sa Facebook post ni Nol Montalbo, may-ari ng Mont Albo Massage Hut, ipinakita nito ang larawan ng pamilya Yulo na naka-robe at handa nang magpamasahe.
Nag-post din si Angelica Poquiz Yulo, ina ni Carlos, sa kanyang Facebook Page at pinasalamatan si Montalbo sa kanilang masayang araw sa naturang massage place.
"Thank you to the owner of Mont Albo Market Market BGC for giving the whole family a free massage, groceries and food. Thank you for your kindness," ang post ni Angelica.
Sumagot naman ang may-ari ng Mont Albo: "Maraming salamat din po sa pagbisita sa Mont Albo Massage Hut. Pinasaya nyo po kaming lahat. God bless po sa buong pamilya."
Kasunod ng regalo ng Mont Albo, dalawa pang tagasuporta ang nagdala naman sa pamilya Yulo sa Venice Grand Canal Mall.
Bukod sa ipinasyal sa buong mall, pinakain din nina Jeffrey Perida at John Robert Costura ang pamilya Yulo.
"After massage from Mont Albo, exploring Venice Plaza Mall. Jeffrey Perida and John Robert Costura, thank you so much for the love," ang post ni Angelica.
Matatandaang sa naturang mall din tumanggap ng kanyang gantimpala mula sa Megaworld si Carlos na isang P32 milyong condominium unit at P3 milyong cash kamakailan.
(Mga larawan mula sa Facebook Pages nina Angelica Poquiz Yulo at Nol Montalbo)
Libreng Masahe, Groceries at Pagkain, Ibinigay sa Pamilya Yulo ng mga Taga-Suporta | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: