Bukas para sa mga kabataan ang libreng internship program para sa pagiging coffee barista na inihahandog ng Arabica Manila Roastery sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig City.
Ang mga interesadong kabataan na edad 16 hanggang 20 taong gulang, nag-aaral man o hindi, ay maaaring mag-apply para sa internship sa link na ito: https://www.linknbio.com/arabica_ph
Ang bawat batch ng internship ay tatanggap ng dalawang estudyanteng sasailalim sa masinsinang pagsasanay na walong sunod-sunod na katapusan ng linggo sa branch ng % Arabica sa BGC.
Samantala, ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Katuparan sa Taguig City ang isa sa mga unang nakaranas ng pagsasanay sa paggawa ng kape sa paglulunsad ng libreng internship program para sa kabataan na pinamagatang "See our World Through Coffee Workshop" na isinagawa noong Pebrero 14, 2024.
Kabilang sa kanilang crash course ang Barista 101, Espresso Hands-On Experience, at Espresso Soft Cream Preparation.
(Mga larawan mula sa Sangguniang Kabataan - Barangay Katuparan)
Libreng Pagsasanay sa Pagiging Coffee Barista, Handog ng Arabica Manila sa BGC | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: