Tinatayang isang Pilipino ang nagkakaroon ng pagbagsak ng bato sa bawat oras.

Batay sa data ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI), 120 Pilipino sa bawat isang milyong populasyon ang nagkakaroon ng chronic renal failure sa bawat taon.


(Panayam kay Dr. Deanne Cuevas ng Taguig.com)

Gayunman, hindi ito naaagapan dahil hindi agad nakikita ang sakit bunga ng kakulangan regular na pagpapa-check-up o hindi nakokontrol ang mga sakit na maaaring pagmulan ng kidney disease.

Bilang paggunita sa World Kidney Day sa Marso 14, Huwebes, ang Philippine Society of Nephrology (PSN) ay magsasagawa ng libreng screening sa Barangay Daang Hari, Taguig City mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali.

Sa panayam ng Taguig.com, sinabi ni Dr. Deanna Cuevas na kabilang sa mga ite-test ay ang ihi, dugo at blood pressure ng mga mamamayang magtutungo sa Barangay Hall ng Daang Hari.

News Image #1


"Six a.m. pa lang po, may Zumba activity na kami. Pagkatapos no'n ay free urine dipstick screening for protein, random blood sugar test at pag-check din ng blood pressure. May free consultation din po with nephrologists. Ang layunin natin dito ay early detection of chronic kidney disease," ayon kay Dr. Cuevas.

Hindi lang ang diabetes at high blood pressure ang maaaring pagmulan ng pagbagsak ng mga bato kung hindi maging ang glomerulonephritis o pamamaga ng maliliit na filter ng mga bato na maaaring makita sa urine dipstick test.

"Mahalagang maga-check up ng ating ihi at dugo bawat taon upang maagapan ang mga sakit na maaaring mauwi sa pagkasira ng mga bato," ang paalala ni Dr. Cuevas.