May isinasagawang mga libreng seminar ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig - Agricultural Office para sa mga nagnanais na magkaroon ng dagdag-pagkakakitaan o kahit ang nais lamang ay magkaroon ng pansariling pagkukunan ng pagkain.

News Image #1

(art card ng Taguig City Agricultural Office)

Sa mga residente ng Taguig, ang libreng livelihood training sa food processing ng mga produktong pang-agrikultura at ang iba pang nagmula rito ay isasaga sa iba't ibang lokasyon sa Taguig sa mga sumusunod na iskedyul:

• August 16, 2024 • 1-4 PM • Brgy. Palingon Barangay Hall

• August 23, 2024 • 1-4 PM • North Daang Hari Barangay Hall

• August 30, 2024 • 1-4 PM • New Lower Bicutan Barangay Hall

May mga ekspertong magtururo ng iba't ibang pamamaraan ng pagkakakitaan gamit ang mga gulay, prutas, karne, isda, itlog at iba pang produktong pang-agrikultura.

Hindi na kailangang magparehistro basta't residente ng Taguig City.

Maaaring mag-walk-in subalit limitado lamang ang tatanggapin kaya't kailangang maagang magtungo sa mga lugar na nabanggit para makakuha ng puwesto.