Mahalaga ang mayroong sariling pinagkukunan ng mga gulay at prutas lalo na kung gustong makasiguro sa kalidad nito at makatipid sa gastusin.
Ito ang dahilan kaya't nagsasagawa ng libreng seminar sa urban gardening ang Taguig City Agricultural Office para sa mga residente ng Taguig City.
(Art card ng Taguig City Agricultural Office)
Ang libreng urban gardening seminar ay isasagawa sa mga sumusunod na lugar at iskedyul:
• August 13, 2024 • 1:00 PM - 4:00 PM • Brgy. Rizal Barangay Hall
• August 20, 2024 • 1:00 PM - 4:00 PM • Brgy. North Signal Barangay Hall
• August 27, 2024 • 1:00 PM - 4:00 PM • Brgy. Napindan Barangay Hall
Mamamahagi ang Taguig City Agricultural Office ng mga libreng buto at pananim sa mga lalahok sa seminar
Hindi na kailangang magrehistro dahil puwede ang kahit sinong magtutungo sa seminar.
Gayunman, kailangang agahan dahil limitado lamang ang puwesto para sa mga lalahok.
Samantala, isang pribadong grupo naman, ang CHC Agritech and Organic Farming Solution ang naghahandog din ng libreng seminar online hinggil sa matagumpay na pagtatanim at paggamit ng mga organikong solusyon dito.
(Art card ng CHC Agritech and Organic Farming Solution)
Ayon sa grupo, tuturuan nila sa kanilang webinar ang mga lalahok kung paano magtatanim ng maramihan na hindi kakailanganin ang napakalaking kapital.
Sa mga interesado sa naturang seminar, maaaring tunawag at makipag-ugnayan dito: 0927-054-8117.
Libreng Seminar sa Urban Gardening, Iniaalok ng Taguig City Agricultural Office at Gayundin ng Isang Pribadong Grupo | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: