Magsasagawa ng libreng paglilinis ng mga poso negro ang Manila Water Company sa ilang barangay sa Taguig at iba pang bahagi ng Metro Manila at Rizal na nasasakupan ng water concessionaire.
Kabilang sa mabibigyan ng serbisyo ang mga barangay ng Cembo at Ususan sa Taguig City. Kailangan lamang na makipag-ugnayan sa kanilang barangay o tumawag sa Manila Water Consumer Desk Hotline 1627 para sa eksaktong araw ng pagbisita ng mga trak ng Manila Water na maglilinis ng mga baradong poso negro.
Animnapu't limang barangay sa siyam na lungsod at 5 munisipalidad sa East Zone ang bibigyan ng libreng serbisyo ng Manila Water sa mga susunod na araw.
Kabilang din dito ang Barangay Bangkal, Guadalupe Viejo at Kasilawan sa Makati City; Harapin ang Bukas, Barangka Ibaba, Barangka Ilaya, Barangka Itaas, Malamig, Pleasant Hills, San Jose, at Vergara sa Mandaluyong City; E. Rodriguez, East Kamias, Krus na Ligas, Pinagkaisahan, Roxas, Sauyo, Silangan, Tandang Sora, UP Campus, at West Kamias sa Quezon City; Batis, Kabayanan, Salapan, Batis, at Corazon de Jesus sa San Juan City; Bagong Ilog at San Jose in Pasig City; at Marikina Heights sa Marikina City.
Sa siyudad naman ng Maynila, ang pupuntahan ng desludging team ng Manila Water ay ang Barangays 764, 765, 767, 769, 775, 776, 778, 790, 791, 796, 798, 877, 878, 879, 880, 895 at 900.
Sa Rizal, ang desludging caravan ay magtutungo naman sa Barangay Beverly Hills, Mambugan, Inarawan, San Juan, at Muntindilaw sa Antipolo City; San Isidro, San Juan, at Santo Domingo sa Cainta; Burgos, San Isidro, at San Jose sa Montalban; Bilibiran, Batingan at Calumpang sa Binangonan; San Isidro at Mahabang Parang sa Angono; at Dolores sa Taytay.
Sinabi ng Manila Water na ang kanilang nasisipsip sa poso negro ay sumasailalim muna sa treatment sa septage treatment plants bago ito idiskarga sa mga pangunahing karagatan at ilog para ligtas sa mga isda at iba pang nabubuhay roon.
(Photo by Manila Water)
Libreng Sipsip sa Poso Negro, Isasagawa sa Ususan at Cembo | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: