Nakahandang tumulong ang pamahalaang lungsod ng Taguig sa mga nasisiraan sa daan upang matiyak na ligtas at maayos ang mga mamamayan at hindi rin magsasanhi ng mabigat na trapiko sa ganitong pagkakataon.
Inilunsad ang Roadside Emergency Assistance in the City of Taguig o REACT upang tigunan ang problema sa mga pangunahing kalsada ng siyudad.
Libre ang serbisyo ng REACT kabilang ang towing sa loob ng lungsod ng Taguig, pag-jumpstart sa baterya, pagpapalit ng na-flat na gulong, at maging sa mga maliliit na mechanical repair at adjustment. Kung malakihan naman ang sira ng sasakyan, ang REACT ang magdadala sa kanila sa pinakamalapit na talyer para maipagawa ang kanilang sasakyan.
Ang mga motoristang masisiraan ay maaaring humingi ng tulong sa Command Center ng Taguig sa (02) 8789-3200 at sa hotline ng traffic management office na: (02) 8640-7006; (0929) 631 5924; (0929) 631 5740; (0977) 311 6359; at (0945) 113 6059. Maaari rin namang pumunta sa Facebook Page na Traffic Management Office - City of Taguig.
Hindi lamang ang mga masisiraang residente ng Taguig ang makikinabang sa tulong ng REACT kung hindi maging ang mga hindi residente nito basta't ang kanilang sasakyan ay aabutan ng pagkasira o disgrasya sa loob ng siyudad.
(Larawan mula sa Philippine Information Agency at Taguig PIO)
Libreng Tulong sa Kalsada sa Taguig | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: