Isang webinar kaugnay ng mga dapat malaman sa pagpa-file ng buwis bilang self-employed individual o sole proprietor ang isasagawa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Abril 2, 2024 ng ala 1:00 ng hapon.

News Image #1


Ubos na ang slots para sa pre-registration sa Zoom subalit ila-live naman ng BIR sa kanilang main Facebook Page https://www.facebook.com/birgovph?mibextid=uzlsIk ang naturang webinar.

Sinabi ng BIR na ituturo nila kung paano mag-file at magbayad ng annual income tax return lalo na at malapit na ang deadline sa filing nito sa Abril 15, 2024.

News Image #2



Samantala, available na rin ang Tax Identification Number (TIN) Inquiry sa pamamagitan ng electronic mail (e-mail). Kailangan lamang mag-email sa [email protected]

Ang mga taxpayers na nais alamin ang mga detalye sa kanilang TIN ay kailangang punan ang form at kumuha ng selfie kasama ang isang valid government-issued IDat isang hiwalay na kuha ng balidong ID na inisyu ng pamahalaan na kung saan ipinapakita ang karawan at litrato ng taxpayer.

Kailangang maisumite ang napunang form sa [email protected] kasama ang selfie at hiwalay na litrato ng balidong government-issued ID.

Para sa dagdag na impormasyon at ang form na pupunan, narito ang mga links na pupuntahan.

https://tinyurl.com/42kpyj9y

Annex A: https://tinyurl.com/mr25eysj

Annex B: https://tinyurl.com/fd6fca72

(Larawan mula sa BIR)