Limang bagong trak na pamatay-sunog ang ipinagkaloob ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa 5 barangay ng lungsod kasabay ng pag-obserba sa Holiday Hazards Prevention Month.
Ang mga barangay ng Taguig na nakatanggap ng mga bagong fire trucks ay ang mga barangay ng South Signal, South Daang Hari, Central Bicutan, San Miguel at New Lower Bicutan.
Bukod sa mga fire trucks, namigay rin ang Pamahalaang Lungsod ng mga kagamitan para sa pagpatay ng sunog sa naturang mga barangay.
Sinabi ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na mahalagang matiyak ang kapayapaan at kaligtasan ngayong Kapaskuhan at Bagong Taon.
Samantala, sinabi naman ng Bureau of Fire (BFP) - Taguig na kung nais ng mga mamamayan ng Taguig ng dagliang aksyon sa sunog o anumang emergency, maaari silang tawagan sa telepono 8837-0740 / 8837-4496 at 0906-211-0919 o sa National Emergency Hotline: 911
(Mga larawan mula sa Taguig PIO)
Limang Bagong Firetrucks, Ibinigay sa 5 Barangay ng Taguig | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: