Bubuksan na ang limang bagong istasyon ng LRT 1 na dadaan sa ParaƱaque ngayong araw na ito, Nobyembre 16, 2024.

News Image #1


Umpisa ngayong alas 5:00 ng umaga at sa mga susunod na Sabado at Linggo, magsisimula sa ganitong oras ang pagba-byahe ng tren ng LRT 1 mula sa Dr. Santos Station sa Sucat, ParaƱaque.

Kapag Lunes hanggang Biyernes, ang byahe mula sa Dr. Santos Station ay magsisimula ng alas 4:30 ng umaga.

News Image #2


Dadaan ang tren sa apat na iba pang bagong istasyon sa:

* Redemptorist-Aseana
* Manila International Airport
* Asia World/ParaƱaque Integrated Terminal Exchange
* Ninoy Aquino Avenue

News Image #3


Inaasahang mapagsisilbihan ang 80, 000 pasahero sa bawat araw sa limang dagdag na istasyon na bahagi ng LRT 1 - Cavite extension.


Inaasahang hindi aabot sa isang oras ang biyahe mula Quezon City patungong ParaƱaque City dahil sa nadagdag na mga istasyo sa LRT1.

(Mga larawan mula sa Light Rail Manila Corporation)