Limang gintong medalya at isang tansong medalya ang napanalunan ng mga estudyante sa Taguig City sa isinagawang 13th Global Information Technology Challenge (GICT) for Youth with Disabilities na isinagawa sa Manila Hotel noong Nobyembre 3 hanggang 8, 2024.

News Image #1

(Larawan mula sa Department of Education Taguig-Pateros o DEPED Tapat)

Dalawampu't apat na medalya ang kabuuang nakamit ng mga estudyante mula sa Pilipinas kung saan anim ang nakuha rito ng mga estudyante ng mga paaralan sa Taguig City,

Ang Global IT Challenge (GITC) ay isang internasyonal na kumpetisyon na pinangunahan ng Ministry of Health and Welfare ng Republic of Korea, LG, at ng Department of Social Welfare and Development na naglalayong makita ang kahusayan ng mga kabataang may kapansanan at nagsusulong ng pagiging kasama sa komunidad at partisipasyon ng mga estudyanteng may kapansanan sa digital economy.

Isandaan at limampung mga kalahok mula sa 16 na bansa ang kasali sa kumpetisyon kung saan namayani ang mga estudyante ng Taguig sa eTool, eLifeMap, eContent, ateCreative, kung saan tinesting ang kanilang kakayahang magresolba ng problema, pagiging malikhain at kahusayang teknikal.

Kabilang sa mga nagwagi ay ang sumusunod, ayon sa post ng Deped Tapat:

Anica Myiel H. Timogtimog - GOLD (e-Tool Presentation) at GOLD (e-LifeMap), Taguig Science High School (Coach: Mr. Eliciyo Alvarez)
Jamal M. Alih - BRONZE (e-Tool Presentation) at GOLD (e-Creative Smart Car), Taguig National High School/TUP (Coach: Ms. Chei Kizzia B. Borboran)
John Emmanuel V. Bayani - GOLD (e-Tool Presentation), Taguig Science High School/TUP (Coach: Mr. Eliciyo Alvarez)
Kyla Lorraine P. Carcido - GOLD (e-Content), Western Bicutan National High School (Coach: Ms. Karen Rose G. Sumandal)

News Image #2

(Larawan ng Deped Tapat)