Limang kandidato ang maglalaban para sa pagka-Kongresista ng Unang Distrito ng Taguig-Pateros sa darating na halalan sa Mayo 12, 2025.

Kabilang dito sina dating Taguig Mayor Lino Cayetano ng Nationalist People's Coalition, Allan Cerafica ng Partido Federal ng Pilipinas, re-electionist na si Congressman Ricardo "Ading" Cruz, Jr. na Nacionalista Party, Pedro dela Cruz na isang independent, at Ricardo Opoc na tumatakbo rin bilang independent.

News Image #1

(Kuha ni Marou Sarne)

News Image #2

(Larawan mula sa Facebook Page: Cong. Ading Cruz, Jr.)

News Image #3

(Larawan mula sa Facebook Page: Allan Cerafica)

Nasa ilalim ng Unang Distrito ng Taguig-Pateros ang kabuuang munisipalidad ng Pateros at ang silangang bahagi ng Taguig na kinabibilangan ng mga barangay ng Bagumbayan, Bambang, Calzada, Comembo, Hagonoy, Ibayo-Tipas, Ligid-Tipas, Lower Bicutan, New Lower Bicutan, Napindan, Palingon, Pembo, Rizal, San Miguel, Santa Ana, Tuktukan, Ususan at Wawa.

Nakapanayam ng Taguig.com ang isa sa mga kumakandidatong kinatawan ng Unang Distrito ng Taguig-Pateros na si Cayetano sa isang lugar sa Taguig City kaugnay ng isyu sa tirahan nito.

Noong Oktubre 28, 2024, nagdesisyon ang Election Registration Board (ERB) ng Commission on Elections (COMELEC) na ibasura ang aplikasyon nito at ng asawang si Fille Saint Merced Cayetano na mailipat ang kanilang registration records mula sa pinagbobotohan nila dati sa Barangay Fort Bonifacio tungo sa Barangay Ususan kung saan mayroon din silang tirahan.

Narito ang paliwanag ni Cayetano sa panayam ng Taguig.com.


{Video ni Marou Sarne)

Samantala, sinabi naman ni Comelec Chairman George Erwin Garci na maaari namang humanap ng mga legal na remedy si Cayetano. Hindi pa aniya nila masasagot sa Comelec kung maaapektuhan ng desisyong ito ng ERB ang kandidatura ni Cayetano.

Ayon sa mag-asawang Cayetano, dalawang taon at limang buwan na silang nakatira sa Pacific Residences sa Barangay Ususan kung kaya't may karapatan silang ilipat ang kanilang voters' records.