Nagsusugal ang limang kalalakihan sa Barangay Pembo, Taguig City nang matuklasang ilan sa mga ito ay may dalang ilegal na droga at baril at bala sa pagpapatrulya ng Taguig City Police noong Hunyo 17, 2024, alas 5:30 ng hapon.

News Image #1


Nagka-cara y cruz sina alyas Israel, 26 anyos at tricycle driver, alyas Aniceto na 38 anyos, alyas Prince na 27 anyos at construction worker, alyas Joey na 34 anyos, at alyas Jayson na 41 anyos at kitchen crew nang matiyempuhan ang mga ito ng nagpapatrulyang mga tauhan ng Taguig City Police.

News Image #2


Nakuha sa isa sa kanila ang isang .38 caliber revolver na may lamang anim na bala, at isang heat-sealed transparent plastic sachet na may hinihinalang shabu na ang bigat ay 1.2 grams, at tinatayang nagkakahalaga ng ₱8,160.00.

News Image #3


Bukod dito, nakuha rin sa isa pang suspek ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na may hinihinala ring shabu at may bigat namang 1.4 grams, na ang tinatayang halaganay ₱9,520.00.

Nakumpiska rin ang perang ginamit sa pagsusugal.

Dinala na sa Southern Police District Forensic Unit ang mga nakumpiskang ipinagbabawal na gamot at iba pa.


Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), PD 1602 (Illegal Gambling), at RA 10591 (Illegal Possession of Firearm and Ammunition) ang limang suspek.

(Larawan mula sa Taguig City Police)