Nasunog ang isang bahay na nasa boundary ng Barangay New Lower Bicutan at Barangay South Signal na nakaapekto sa limang pamilya noong hapon ng Nobyembre 2, 2024.
Sinabi ni Kenneth Dy Cañeda, Barangay Councilor ng South Signal Vlllage, na naganap ang sunog sa dulo ng Airforce Extension kung saan isang dalawang palapag na bahay na may 13 indibidwal na nakatira ang nasunog.
Sinabi naman ng Taguig City Fire Station na nagsimula ang sunog bandang alas 5:20 ng hapon noong Nobyembre 2 at naapula ng alas 5:50 ng hapon sa ikalawang palapag ng bahay na nasa San Diego Street.
Tinatayang nasa P50, 000 ang halaga ng mga ari-ariang natupok. Ang mga nasunugan ay tinutulungan na ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig at ng Social Welfare Department ng Taguig.
"Palagi po natin ido-double check ang ating mga gamit na nakaiwan na nakasaksak, ugaliin po natin na tanggalin sa saksakan kapag hindi na ginagamit lalo na ang mga cellphone, iwasan natin na i-overcharge.
Maraming salamat po sa BFP Taguig, BSF South Signal Village at sa lahat po ng kalapit barangay natin na nagpadala agad ng mga bumbero," ang pahayag ni Cañeda sa kanyang post sa Facebook.
(Mga larawan ni Barangay Councilor Kenneth Dy Cañeda)
Limang Pamilyang Nakatira sa Isang Bahay sa Boundary ng Barangay New Lower Bicutan at Barangay South Signal, Nasunugan noong Araw ng mga Patay | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: