Palalawigin pa ng Government Service Insurance System (GSIS) ang kanilang Restructuring Program for Service Loans (RPSL) hanggang Mayo 19, 2025.
(Larawan mula sa GSIS)
Ang programang inilunsad noong Mayo 2023 ay naglalayong tulungan ang mga hindi nakakabayad sa oras na mga nanghiram sa GSIS, kasama na ang mga dati nitong miyembro, mga pensyonado at mga muling nagtrabaho sa gobyerno na miyembro nito.
Binibigyan ang mga ito ng isang beses na pagtatanggal ng mga multa o penalty sa hindi nabayarang utang sa oras, at gayundin ang pag-ayos o restructuring sa mga utang na hindi pa rin nababayaran.
Makakatulong ito upang makahabol ang mga nangutang sa GSIS sa kanilang mga pinansiyal na obligasyon at makayanan ang pagbabayad.
"The GSIS restructuring and condonation program reflects our commitment to supporting members and pensioners in managing their finances. By offering flexible terms and condoning penalties, we are helping them get back on track," ayon kay GSIS President at General Manager Wick Veloso.
Makakapag-apply sa naturang programa ang mga may utang sa GSIS sa pamamagitan ng GSIS Touch app, over-the-counter services sa mga GSIS branches, M. Lhuillier, USSC, at online sa pamamagitan ng UnionBank o Landbank apps.
Kailangang kumpletuhin ang application form at magbigay ng kopya ng kanilang GSIS ID o iba pang balidong ID na inisyu ng pamahalaan.
Kabilang sa mga sakop ng restructuring option ay ang mga salary loans, emergency loans, educational loans, at iba pa. Maaaring bayaran na ng buo ng nanghiram ang kanyang utang o mag-installment kung saan ang down payment ay kailangang mga 10% hanggang 75% ng utang.
Hinihikayat ng GSIS ang mga empleyado ng gobyerno na may utang na samantalahin ang programang ito na matatapos sa Mayo ng susunod na taon.
Loan restructuring Program ng GSIS Para sa mga Empleyado ng Gobyerno na Hindi Nakakabayad ng Utang, Pinalawig pa Hanggang Mayo 19, 2025 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: